matagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng ganitong uring pagtatala ng aking mga saloobin at pagmumuni sa araw-araw. nais kong pag-aralan ito dati ngunit nanaig ang katamaran at pangangatwiran na kulang ako sa panahon, tiyaga, at pagpupursigi upang tuklasin at matutunan ang pagbuo ng ganitong pagpupunyagi. kaya naman lubos ang aking pasasalamat kay andres na nagbigay buhay sa ninanais kong ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang oras at husay sa paglikha nito. isa siyang tunay na alagad ng sining sa kanyang patuloy na ipinamamalas na galing sa mga ganitong bagay. saludo ako sa iyo, andres...
ang iyong kambal sa nakaraang buhay,
teban
Friday, January 30, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sorry ich verstiche nicht dei langauge, steve. way too deep. heheh. andres
ReplyDelete